Kim Jong-un, nangakong paiigtingin pa ang nuke combat capabilities

Nangako si North Korean leader Kim Jong-un na paiigtingin ang nuclear weapons capabilities, sa lahat ng posibleng paraan, matapos nitong pangunahan ang weekslong military training ng tactical nuclear weapon units.

Sinabi ni Kim, na hindi na kailangan na makipag-usap sa mga kalaban, habang sinisisi ang United States at South Korea sa tumataas na military tension sa Korean Peninsula.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Ayon kay North Korean leader na nadedetect nila ngayon ang military movements ng mga kalaban, at ang patuloy na intentional at irresponsible actions ng US at South Korea na nagpataas ng tensyon, ay magdudulot lang umano sa mas malakas na response mula sa kanila.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ang pahayag ni Kim ay matapos ang umano’y pagbasura sa proposals ni South Korean President Yoon Suk-yeol at US President Joe Biden na nangako ng economic benefits, sakilang makikipagnegosasyon ang North para sa denuclearization.