Eraserheads reunion concert ‘Huling El Bimbo’ sold out

Agad na sold out ang tiket para sa reunion concert na “Huling El Bimbo” ng Eraserheads.

Sa Instagram post, inanunsyo ni Ely Buendia ang naturang update at nagpasalamat sa lahat na nagpakita ng kanilang suporta.

Read More:  Jennylyn Mercado says she and husband Dennis Trillo are ‘extra protective’ of their children

Ayon kay Ely, gagawin nilang maging unforgettable experience ang naturang concert para sa lahat.

Samantala, sa “Huling El Bimbo” Facebook page, sinabi ng OPM band na ang ticket promos mula sa kanilang mga sponsors, ay malapit nang ilabas.

Read More:  Max Collins, Pancho Magno stay hands-on in co-parenting son Skye

Ang  Eraserheads na kinabibilangan din nina Raymund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro na magtatanghal ng “Huling El Bimbo” concert sa December 22 sa SMDC Festival Grounds.