US kinondina ang missile ang attack ng Russia sa ilang lungsod ng Ukraine

Kinondina ng America ang tinawag nitong brutal na pag-atake ng Russia sa ilang lungsod sa Ukraine kabilang ang paglulunsad ng missile strike sa Kyiv.

Ayon sa report, kabilang sa mga tinamaan sa Kyiv ang isang park, isang university building at children’s playground.

Kaugnay nito ay nangako ang US ng military aid kabilang na ang advanced defence system.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Nagpahayag din ng pagka-shock sa pangyayari si UN Chief Antonio Guterres kasunod ng pagkamatay ng nasa 14 na tao at pagkakasugat ng maraming iba pa.

Itinuturing na ang pinakahuling pag-atake ang pinakamalawak na bombardment mula nang ilunsad ng Russia ang giyera laban sa Ukraine.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Kinumpirma naman ni Russian President Vladimir Putin na ang pag-atake ay bilang ganti sa pagpapasabog sa pangunahing tulay na nag-uugnay sa Russia at Crimea.

Una na kasi itinuro ni Putin ang Ukraine na siyang may pakana sa pagpapasabog sa “key bridge” para sa supply ng mga tropa ng Russia.