Kaso ng animal bite sa Camarines Norte lalo pang tumaas, isang kaso naman ng pagkamatay dahil umano sa rabies naitala sa CNPH

CAMARINES NORTE – Tumaas pa lalo ang kaso ng animal bite sa lalawigan ng Camarines Norte na karamihan ay kagat ng aso.

Sa datos ng Provincial Health Office umabot sa 16, 234 ang bilang ng animal bite sa lalawigan noong 2023 na pinakamataas sa nakalipas na apat na taon.

Noong 2022 nakapagtala ang lalawigan ng nasa 11, 609 animal bite cases na mas mataas din sa 9, 941 noong 2021 at sa 6, 392 noong 2020.

Pinakamarami noong 2023 ang nakagat ng pet animal na nasa 65 % habang 35 % naman ay stray animal.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na isa pa sa problema ay ang mga nagpapabakuna sa animal bite center na hindi na bumabalaik kaya hindi nakakakumpleto ng bakuna kontra rabies.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Dahil dito, inatasan ni Francisco ang mga Rural Health Unit na i- profile ang mga nagpabakuna na hindi na bumalik.

Binigyang diin rin ni Francisco na libre ang human rabies vaccine sa animal bite treatment center ng Camarines Norte Provincial Hospital, Labo District Hospital at sa Sta Elena.

Hinimok naman ni Francisco ang mg Local Government Unit na i- revisit ang kanilang ordinansa patungkol sa responsible pet ownership.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Magtatakda umano ng pulong ang PHO kasama ang Provincial Veterinary Office at Department of the Interior and Local Government para pag usapan ang magiging aksyon kaugnay sa tumataas na kaso ng animal bite.

Samantala, patay ang isang 54 anyos na lalaki na naka- confine sa Camarines Norte Provincial Hospital  noong Linggo dahil umano sa rabies.

Gayunman nilinaw ni Francisco na nananatili itong suspek dahil wala naman itong confirmatory test kahit pa nagpapakita ito ng mga sintomas.

Sinasabing nakagat ng hayop ang pasyente noon pang Nobyembre pero ngayon lang lumabas ang mga sintomas. Dahil dito may payo ang PHO sa mga nakakagat ng aso o ng iba pang hayop.