Issue sa West Philippine Sea, siguradong mababanggit ni PBBM sa Shangri-La dialogue

Inaasahang matatalakay ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang mensahe sa 21st edition ng The International Institute for Strategic Studiess o IISS na Shangri la Dialogue 2024 sa Singapore, ang patungkol sa issue ng West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Asian and Pacific Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau sa naganap na pre-departure briefing kanina sa Palasyo ng Malacañang.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs Spokesperson Teresita Daza, ang ganitong klaseng forum ay nagbibigay ng magandang plataporma para sa isang bansa na ipaliwanag at ipahayag ang posisyon sa mahahalagang isyu.

Kaya, mahalagang plataporma daw ito para sa Pilipinas upang iparating ang posisyon kaugnay sa mga nangyayari sa rehiyon at kung ano ang ating isinusulong.

Kasabay nito kinumpirma ng DFA na may delegado mula sa China na dadalo sa Shangri-La dialogue.

Nabatid na keynote speaker dito si Pangulong Marcos kung saan dadalo ang mga defense ministers, military leaders, senior defense officials, gayundin ang mga business leaders at security experts mula sa 40 bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *