Shabu, ‘di na lang binebenta, pinapa-utang na

Hindi lang pera kundi pati shabu ang pinapautang ng isang mag-asawa sa Valenzuela dahilan para sila ay arestuhin ng mga tauhan ng Northern Police District Station Drug Enforcement Unit.

Ayon sa mga awtoridad, notoryus umanong drug pusher ang lalaki sa kanilang lugar sa General T De Leon, Valenzuela City.

Napag alaman din na dati nang nakulong ang lalaki noong 2013 dahil sa ilegal na droga.

Mahaharap ang mag-asawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.