Isang deboto, hindi alintana ang 2 oras na biyahe gamit ang wheelchair

Hindi inalintana ni Tatay Joel ang paggising ng maaga at pagbyahe ng dalawang oras sa kahabaan ng service road sa Pasay City papunta sa Quiapo Church gamit lamang ang kanyang wheelchair.

Ayon kay Joel, sa loob ng tatlumpung taong pagiging deboto niya ay naging parte na ito ng kanyang pamamanata sa milagrosong Itim na Nazareno.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Ito ay matapos umanong pagalingin siya nito mula sa pagiging sakitin niya noong bata pa lang siya.

Kaugnay nito, plano umano niyang manatili sa Quiapo church hanggang sa makita niya ang Itim na Nazareno.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Ito ay upang maitaas din niya ang kanyang ibang panalangin para sa kanyang pamilya.

Samantala, umaasa si Tatay Joel na magiging mapayapa ang gaganaping Traslacion bukas.