Fire Stations sa EMBO, balik na sa normal na operasyon

Balik na muli sa normal na operasyon ang mga fire station sa EMBO barangays matapos ang pagkandado na ginawa ng Makati noong Disyembre 2023.

Ipagpapatuloy ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pangangasiwa at pagpapatakbo sa mga estasyong ito.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Kung matatandaan, ikinadena ng Makati ang mga naturang fire station sa katwirang pagmamay-ari nila ito at hindi maaaring ipagamit sa mga residente ng EMBO na hindi na residente ng Makati.

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Maigting itong tinutulan ng Taguig at ni Senador Alan Peter Cayetano at tahasang tinuligsa ang pagpapabaya ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil hinayaan nitong isara ng Makati ang fire stations at inilagay sa panganib ang mga residente sakaling magkaroon ng sunog.