Ibinahagi ng ilang mga nagtitinda sa gilid ng Quiapo Church na hanggang sa ngayon ay matumal pa rin ang kanilang bentahan ng t-shirt, panyo at tuwalyang may mukha ng Itim na Nazareno.
Ito ay isang araw bago ang Traslacion 2024.
Ngunit tulad noong nakaraang taon ay inaasahan umano nilang daragsa na ang bilang ng mga mamimili sa kanila mamayang gabi.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng ilang Nazareno headband dito ay nasa P20, samantalang pumapalo naman sa P18 hanggang P25 ang mga tuwalya, at P35 naman sa mga panyo.
Samantala, tiniyak naman ng ilang mga nagtitinda na mananatili pa rin sa orihinal na presyo ang kanilang paninda bukas.