LGU Legazpi, ipagpapatuloy ang pag-iikot sa mga barangay sa kabila ng suspension ng DILG sa road clearing inspection

LEGAZPI CITY – Nanindigan ang lokal na pamahalaan ng Legazpi City na kahit isinuspinde ang isasagawa sanang road clearing inspection ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa buong bansa ay ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang ginagawang pag-iikot sa mga barangay.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Ayon kay Legazpi City Mayor Geraldine Rosal, hindi pa rin sila titigil sa pagsisita at paglalagay ng wheel clamp sa mga sasakyan na nasa ilegal parking area.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Suportado rin ng mga barangay officials ang ginagawa ng lokal na pamahalaan dahil malaking tulong ito upang maging maluwag ang kalsada.