House Deputy Minority Leader Rep. Castro, pinamamadali ang pagpasa ng panukalang magba-ban sa red-tagging

Nanawagan si House Deputy Minority Leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa Kongreso para sa agarang pagpasa ng hakbang na naglalayong i-ban ang red-tagging, at maparusahan ang mga gumagawa nito.

Ito at kasabay ng pagkondena niya sa Department of Education (DepEd)-Rizal, NTF-ELCAC, at 80th Infantry Battalion matapos ang umano’y pamamahagi ng mga pamphlet na nagpapakitang ang mga estudyante at raliyista ay iniuugnay sa mga terorista dahil sa pagtutol ng mga ito sa ilang polisiya ng gobyerno.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay Castro – sinabi niyang dapat tutukan ng mga mambabatas ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon at proteksyon sa mga kabataan, at hindi ang pagtatanim ng takot at pagpapakalat ng misinformation sa mga ito.

Aniya, ang naging insidente sa Rizal ay malinaw na halimbawa ng panganib ng red-tagging.

Hindi lang umano ito banta sa kabataan, kung ‘di maging de demokrasya ng bansa.

Sa huli, iginiit ng kongresista na hindi katanggap-tanggap na ang DepEd, kasama ang NTF-ELCAC, ay ginagamit ang pera ng taumbayan para lang magpakalat ng disinformation sa mga estudyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *