Mga opisyal ng Makati na nag isyu ng permit para sa “Gil Tulog Avenue”, pinangaralan na ni Mayor Binay

Pinagsabihan na ni Makati City Mayor Abby Binay ang mga opisyal ng lungsod na nag isyu ng permit ng advertising campaign para palitan ang street sign na Gil Puyat Avenue sa Gil Tulog Avenue.

Ito ay matapos hindi dumaan sa kanyang tanggapan ang request para sa permit ng advertising campaign para palitan ang street sign sa lungsod.

Giit ng alkalde, dapat pinagisipan muna ng mga mga opisyal ng lungsod na nag-isyu ng permit ang gulong maaaring maidulot sa mga motorista at komyuter bago nila ito inaprubahan.

Dapat rin ay binigyang halaga ang respeto sa pamilya at alaala ng dating Senate President Gil Puyat.

Humingi naman ng paumanhin ang alkalde sa publiko at sa pamilya ng dating Senate President at naibalik na rin ang street sign na Gil Puyat Avenue.