Umano’y pamilyang palaboy-laboy na naninirahan sa may isang kilalang mall, paaaksyunan ng Barangay Council ng Sta. Cruz, Naga City

NAGA CITY – Aaksyunan kaagad!

Ito ang pagtitiyak ni Felix Matias Largo Sr., Barangay Kapitan ng Sta. Cruz, Naga City, matapos maipaabot ng isang concern citizen sa Brigada News FM Naga na ipinarating din sa opisina, ang umano’y paninirahan ng isang pamilyang palaboy-laboy lalo na kapag bandang alas 10 na ng gabi, malapit sa may isang kilalang mall sa lungsod na sakop ng barangay, at umano’y naghihit-hit pa, sabay nagsusugal.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kung saan ayon pa sa opisyal sakali man na makumpirma ito, pangalawa na itong senaryo sa barangay na may pinaalis na ring mga atras boy na nanirahan sa may Elias Angeles Street. Dugtong pa nito na kaagad din silang makikipag-ugnayan sa City Social Welfare and Development Office.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa naging pakikipag-usap naman kay Annabell Vargas, Head ng CSWDO, problema pa rin sa kanila ang mga palaboy-laboy o mga namamalimos, na kadalasan mula sa ibang bayan, kung saan naging panawagan nito sa mga kalapit Lokal na Pamahalaan na paigtingin din ang pagmonitor sa kanila lalo na ngayong inaasahan muli ang pagdami ng mga ito ngayong Peñafrancia Festival sa lungsod.