Hinikayat ng Department of Trade and Industry na i-report sa kanila ang mga tindahan na magtataas ng presyo sa mga pangunahing produkto sa kabila ng umiiral na mandatory price freeze.
Kabilang sa mga lugar na ipinapatupad ito ay ang Metro Manila, Batangas, Rizal, Cavite, Oriental Mindoro, Batanes, at Bulacan, na lahat isinailalim sa state of calamity.
Saklaw ng price freeze ang mga basic commidity tulad ng bigas, tinapay, mais, karneng baka manok, at baboy, bottled water, kandila, sardinas, uling, itlog, kape, cooking oil, asin, detergent, fresh vegetables, laundry soap, at local instant noodles.
Bukod pa rito, hindi rin pinahihintulutang itaas ang presyo ng essential medicines batay sa kautusan ng Department of Health.