Isa pang miyembro ng notorious na Luffy gang sa Japan, arestado ng mga otoridad sa Makati

Arestado sa Makati City ang isa pang miyembro ng notorious na “Luffy” gang na wanted sa Japan.

Sa ulat ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco, inaresto ng BI’s Fugitive Search Unit si Nagaura Hiroki sa Barangay Poblacion kahapon.

Ang dayuhan ay inaresto base sa summary deportation order na inilabas noong 2022 ng BI board of commissioners bilang kahilingan ng gobyerno ng Japan.

Ayon sa BI, dumating si Hiroki sa Pilipinas noong 2019 bilang turista at napag-alaman subject ng arrest warrant na inilabas ng Tokyo Summary Court dahil kasong theft.

Ayon sa Tokyo Police, nakipagsabwatan ang Japanese national sa isa pang suspek para pagnakawan ang isang tahanan sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang pulis at nagkunwaring nagiimbestiga sa nawawalang ATM card.

Paliwanag ng BI, iniimbestigahan din si Hiroki sa kanyang bansa dahil sa telecommunications fraud activities.

Kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility dayuhan habang hinihintay ang kanyang deportasyon.

Maaalalang nito lamang Marso nang mapa deport ang 2 pang Japanese national na miyembro ng Luffy gang.

Nauna nang napabalik sa kanyang bansa nitong Pebrero ang hinihinalang lider ng grupo na si alyas “Luffy.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *