Dog-Bite Incidents Sa Cabusao Camarines Sur nasa 6 katao na mula Enero hangang Hulyo 2024

NAGA CITY – Umabot na sa anim ang naitalang dog-bite incidents sa Cabusao Camarines Sur,mula Enero at hanggang ngayong Hulyo 2024,batay sa inisyal na record ng Municipal Agriculture Office na kung saan ang lahat naman ng biktima ay nailigtas sa masamang epekto ng rabies matapos na mabigyan agad ang mga ito ng tamang atensyon medikal.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa panayam ng Brigada News Fm Naga kay Engr. Joey Moral,head ng Municipal Agriculture Office  sa naturang bayan,sinabi nitong patuloy din naman ang kanilang kampanya hinggil sa tamang pag-aalaga ng aso,pagtali nito,pagbigay ng malinis na pagkain at pagbabakuna sa mga ito .

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Anya’y ipinatupad din nila ang dog catching activity subalit problema nila dahil sa wala naman silang panustos sa mga mahuhuling aso kung hindi kukunin ng may-ari sa kanilang opisina,kaya isasailim ang aso sa euthanasia o pagpatay sa mga ito sa matahimik na paraan.