SP Escudero, tinawag na ‘unfair’ ang pagtawag sa kanya bilang utusan ng Malacañang

Nilinaw ni Senate President Chiz Escudero na noong una ay wala naman talaga siyang interes na umupo sa pwesto bilang pinuno ng Mataas na Kapulungan bagamat nandoon ang kanyang pagkabahala sa nagiging direksyon ng liderato ni dating Senate President Migz Zubiri lalong lalo na sa usaping charter change (Chacha).

Alinsunod nito, inamin niya matapos ang ilang araw na pag-iisip ay napagdesisyunan niyang tawagan nitong nakaraang Huwebes si Senador Ramon Bong Revilla Jr. tungkol dito kung saan nakakuha siya ng unang suporta.

Kaugnay nito, pinabulaanan niya ang mga umuugong na balitang nailuklok siya dahil siya lang ang gusto ng Palasyo.

Anya, ‘unfair’ o hindi naman makatarungan ang ganitong pananaw dahil noong panahon ni Zubiri ay wala namang nag-akusa rito bilang utusan ng Malacañang hindi tulad sa kanya.

Dagdag pa niya, silang mga senador ang mismong tumatayo at pumili ng gusto nilang mailuklok at hindi ang Palasyo.

Maalala, nakatanggap ng labinglimang suporta si Escudero mula sa kanyang mga kapwa senador sa resolusyong sumusuporta sa kanyang Senate Presidency.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *