HOR, ‘all-systems-go’ na sa unang SONA ni Pangulong Marcos sa Lunes

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng Kamara para sa ika-unang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes.

Ngayong umaga, inilatag na ang mga tali at daraanan ng mga bisita sa North Wing Lobby ng Batasang Pambansa Complex.

Tuluy-tuloy din ang pagsasaayos sa mga upuan ng mga VIPs na matatandaang inadjust para makapag-accomodate ng mas maraming tao.

Sumailalim din sa ‘major revisions’ ang Plenaryo.

Para naman matiyak na ligtas ang Plenary Hall mula sa banta ng COVID-19, sinabi ni Engr. Renato dela Torre, Exec Dir HRep Engr & Physical Facilities Bureau na nag-install sila ng ultraviolet germicidal irradiation system.

Bago ito, una nang sinabi ni House of Representatives Medical and Dental Service Director Dr. Jose Luis Bautista na determinado itong ipatupad ang istriktong health protocols sa loob ng Kamara.

Muli nitong ipinaalala na required ang negatibong resulta ng RT-PCR.

Tiniyak din ni Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau Exec. Dir. Lourdes Rajini Rye na daraan sa mahigpit na screening ang mga bisita lalo na’t matapos ang dalawang taong pandemya – full house na ang expected attendance sa SONA.

Samantala, sa hanay ng mga Kapulisan, nagsagawa ngayong umaga ng mga simulation exervcises ang QCPD para paghandaan ang iba’t ibang mga scenario sa SONA ni Marcos sa Lunes.

Abangan naman ang Special Coverage ng Brigada News Philippines para sa SONA ni Pangulong Marcos.

Mapanonood sa lahat ng mga Online Streaming Platforms ng Brigada News Philippines, Social Media Accounts, at mapakikinggan sa lahat ng Brigada NewsFM Nationwide.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *