Nanindigan si Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na maaari lamang maisakatuparan ang panukalang reclassification ng COVID-19 restriction base sa kasalukuyang pandemic situation at kapag tumaas ang booster coverage ng bansa nang kahit 50% sa susunod na tatlong buwan.
Sinabi ni Vergeire na ang panukalang restriction classifications ni Pangulong Ferdinand BongBong Marcos Jr ay hindi nangangahulugan na aalisin na ang mga restrictions habang hindi pa nawawala ang COVID-19.
Nilinaw ni Vergeire na mananatili ang alert level system pero para lamang ito sa komunikasyon ng publiko at ng implementing units.
Ayon kay Vergeire bibigyan ng general guide ang publiko at ng implementing units kung ano ang dapat gawin.
Giid pa ng opisyal na lahat ng kanilang magiging hakbang ay nakabase sa sitwasyon ng COVID-19 sa bansa
Kaugnay nito, layon ng gobyerno na makapagbigay ng booster shot sa 23.8 million Filipino para maabot ang 50% na booster coverage sa unang 100-araw ng Marcos Jr. administration(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#