Ex-Pres. spox Roque – tiniyak ang pakikipagtulungan sa imbestigasyon sa 2 foreigners na na-aresto sa Benguet home

Siniguro ni dating presidential Spokesperson Harry Roque na makikipagtulungan siya sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno hinggil sa naarestong dayuhan sa isang bahay na ‘di umano’y ‘partly-owned’ niya sa Benguet.

Napag-alaman sa mga ulat na si Khuon Moeurn, 37, na nagpapakilala bilang isang Cambodian national, ay “very high-level” Chinese fugitive.

Pagtitiyak ni Roque sa Philippine at Chinese authorities na ang PH2 Corporation, kung saan siya ay isang stockholder, ay hindi tutulong at magtatago ng mga wanted foreign criminal sa kahit na anong properties nito.

Sa huli, sinabi ng dating presidential spokesperson na makiki-cooperate sila sa embahada ng China, maging sa mga law enforcers sa pag-iimbestiga sa naturang puganteng Chinese.

Kung maaalala, sa nagdaaang pagdinig ng Senado – inamin ni Roque na mayroon siyang ‘interest’ sa naturang property.

Gayunpaman, hindi raw asiya ang nagma-may-ari nito, at wala rin siyang koneksyon sa POGO.