AFP, wi-nelcome ang paglalaan ng US ng $500 million na foreign military financing para sa Pilipinas

Wi-nelcome ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglalaan ng Estados Unidos ng $500 million na foreign military financing para sa Pilipinas.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla , patunay lamang nito ang matatag na suporta ng US sa pagpapahusay ng kakayahan ng AFP at Philippine Coast Guard.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Ito’y upang masiguro ang epektibong pagtupad sa kanilang misyon sa pag depensa sa teritoryo at pagpapanatili ng isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Ipinaubaya naman ni Col. Padilla sa Department of National Defenseang iba pang detalye tungkol sa naturang tulong-militar.

Nauna nang tiniyak ng US ang commitment ng bansa na ipagtanggol ang Pilipinas sa anumang mga posibleng pag-atake.