2 Chinese National na sangkot sa illegal recruitment at human trafficking, arestado sa Mabalacat, Pampanga

Naaresto ng mga awtoridad sa ikinasa nitong police operation sa Mabalacat, Pampanga ang dalawang Chinese national na sangkot sa illegal recruitment at human trafficking activities.

Sa ulat ng CIDG, nagpatupad ng pitong search warrant ang mga opertiba sa Clark Freeport Zone na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa at pagkakasagip ng 13 chinese nationals kabilang ang dalawang babae at tatlong menor de edad na pinaniniwalaang biktima ng mga ito.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Nasamsam naman mula sa mga suspek ang ibat ibang kagamitan kabilang na ang mga vault, foreign currencies, dokumento, computers, cellphones, at iba pang gadgets, gayundin ang P167,400 na cash

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng CIDG anti-organized crime unit sa kampo crame ang mga naarestong suspek at mga nasagip na indibidwal, gayundin ang iba pang mga ebidensya para sa kaukulang proseso.

Target naman ng pulisya na sampahan ng kasong kriminal ang dalawang suspek sa ilalim ng Expanded Human Trafficking Act of 2012.