DA: Pagpapatupad ng price freeze sa buong bansa, hindi pa kailangan

Naniniwala ang Department of Agriculture na hindi pa kailangan ang mag deklara ng price freeze sa buong bansa.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, ipatutupad lamang ng price freeze kapag may deklarasyon ng state of emergency.

Read More:  Suspended classes on July 18: Crising’s rains prompt school closures in 10 towns and cities across Luzon and Visayas

Paliwanag ni De Mesa, karamihan lamang ng mga apektado ay nasa Western section lamang at kani-kaniya rin aniyang deklarasyon ng state of emergency ang ibat ibang lugar na apektado.

Read More:  President Bongbong Marcos trust surge stuns critics as SWS, Stratbase show 10-point spike despite controversy and unrest

Hindi rin aniya na makatwiran na idamay ang iba pang bahagi ng bansa na hindi naman tinamaan ng El Niño.

Mababatid na iminungkahi ng ilang senador na magpatupad ng price freeze sa gitna ng nararanasang matinding epekto ng El Nino.