Inanunsyo ng Canada na magpapadala ito ng mga non-lethal protective military equipment tulad ng mga helmet sa hukbo ng Ukraine, subalit nanindigang hindi magpapadala ng mga tropa laban sa mga puwersa ng Russia.
Sa isang press conference sinabi ni Canadian Foreign Affairs Minister Melanie Joly na ang Ukrainian troops ay nangangailangan ng bulletproof vests, helmet, gas mask at night vision equipment.

Ayon kay Jolly na ang kontribusyon ng Ottawa ay aabot sa 25 milyon Canadian dollars matapos direktang hilingin ni Ukariane Deputy Prime Minister Olha Stefanishyna.
Samantala, muling iginiit ni Canadian Foreign Affairs Minister Melanie Joly na ang isang combat mission ay hindi ikinokunsidera sa ngayon.
Nabatid na apat na araw nang nagsisikap ang mga sundalo at citizen fighters ng Ukraine na maitaboy ang pagsalakay ng mga pwersang militar ng Russia.