Legazpi City- Inihayag ng Jovellar PNP na nagpapatuloy ang kanilang aktibidad na Oplan Katok, Kontra Loose Firearms sa bayan ng Jovellar, Albay.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PCpl Joy Orogo Chief, PCAD, nakapagtala ang kanilang himpilan ng 31 Oplan Katok activities at kasalukuyang ipinagpapatuloy ang mga ito sa iba’t ibang bahagi ng nasabing lugar.
Aniya very cooperative at mainit ang pagtanggap ng kanilang mga nasasakupan sa mga programa tulad ng Oplan Katok.
Dagdag pa niya base sa kanilang talaan ay may mga tao rin na pansamantalang idineposito ang pagmamay-ari nitong mga baril sa kanilang himpilan.
Tiniyak din ni PCpl Orogo na ang data tungkol sa mga nagdeposito at magdedeposito pa lamang ng baril ay pawang kumpidensyal.