Biden inakasuhan ng genocide ang Russia sa pagsalakay sa Ukraine

Tasahang inakusahan ni U.S. President Joe Biden sa unang pagkakataon ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine na isa umanong uri ng genocide.

Ginamit ni Biden ang terminong ‘genocide’ sa isang talumpati sa isang planta ng ethanol sa Iowa at kalaunan ay nanindigan sa paglalarawan habang naghahanda siyang sumakay sa Air Force One.

“Yes, I called it genocide because it has become clearer and clearer that Putin is just trying to wipe out the idea of being able to be Ukrainian and the evidence is mounting,” sinabi ni Biden sa mga mamamahayag.

“We’ll let the lawyers decide internationally whether or not it qualifies, but it sure seems that way to me.” dagdag pa nito.

Una nang tinawag ng paulit-ulit ni Biden si Russian President Vladimir Putin na isang war criminal, ngunit noong Martes ay minarkahan nito sa unang pagkakataon ang Russia ng paggawa ng genocide sa Ukraine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *