Timberwolves balik NBA playoffs, tinalo ang Clippers sa play-in, 109-104

Nagbabalik sa NBA playoffs ang Minnesota Timberwolves matapos talunin ang Los Angeles Clippers sa play-in tournament, 109-104.

Pinangunahan nina Anthony Edwards at D’Angelo Russel ang Timberwolves matapos humakot ng 59 combined points.

Hindi naman ininda ng Minnesota ang hindi magandang laro ng kanilang star player na si Anthony Towns na na-foul out sa kalagitnaan ng 4th quarter at nag-ambag lamang ng 11 points sa kanyang 3/11 shooting.

Read More:  HYROX athlete apologizes after diarrhea incident during Beijing race

Tinangka naman ni Paul George na buhatin ang Clippers sa pamamagitan ng 34 points performance subalit hindi pa rin umubra sa magandang depensa ng Timberwolves.

Read More:  Manny “Pacman” Pacquiao receives Honorary Doctorate from PNU

Sunod na makakaharap ng Timberwolves ang Memphis Grizzlies sa isang best-of-7 first round playoff match-up.

Hihintayin naman ng Clippers ang mananalo sa laban ng New Orleans Pelicans at San Antonio Spurs para sa isang do-or-die game.