Kilalang ‘Healing Priest’ sa lalawigan ng Albay dinarayo dahil sa kakayahang matukoy ang mga karamdaman

LEGAZPI CITY – Tinaguriang ‘Healing Priest’ ang isang kilalang  pari na dinarayo ngayon dahil sa kakayanan nitong  manggamot ng malalang sakit ay  matatagpuan sa Brgy. Lidong. Sto. Domingo Albay.

Ayon kay Rev. Fr. Efren “Momoy” Borromeo, sa panayam ng Brigada News FM Legazpi, o mas kilala sa  tawag na ‘Healing Priest’ Siya ay matatagpuan sa St. Mary’s Healing Sanctuary, sa nasabing lugar.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Marami na ang kanyang nagamot at kinumpirma ni Father Momoy na hindi na niya mabilang ang kanyang mga  nagamot

Samantala, inihayag pa ni Father Momoy, na may kakayahan siyang matukoy ang umano’y sakit sa pamamagitan ng tingin lamang.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Dagdag pa rito, Marami na rin na doctor ang umano’y nagpatotoo na siya ay nanggamot ng may sakit. Mensahe ni Father Momoy, ngayong ‘holy week’ ay ugaliin na magnilay at magpasalamat sa araw-araw na biyaya ng poong may-kapal.