Assassination attempt kay former US President Donald Trump, kinondena ni Pangulong Marcos

Kinondena ni Pangulong Bongbong Marcos ang pamamaril kay dating US President Donald Trump sa presidential rally sa Pennsylvania.

Sa kanyang X account, sinabi ng Pangulo na kaisa ang lahat ng mga naniniwala sa demokrasya sa buong mundo, mariin nyang kinokondena ang lahat ng uri ng political violence.

Read More:  Palace on ‘Duterte Act’ by Sen. Imee Marcos: “Good Luck”

Anya, ang boses ng taumbayan ang dapat palaging mangibabaw.

Read More:  Duterte legal team pushes for emergency ICC hearing

Ikinalugod naman ni Pangulong Marcos na nasa maayos ang kondisyon ni Trump matapos ang naturang insidente.

Nagpaabot rin ng dasal ang Pangulo kay Trump at sa kanyang pamilya.