KORONADAL CITY- KINUMPIRMA na ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato ang appointment ng tatlong mga department heads ng provincial government.
Kabilang sa kinumpirma ng SP ang appointment ni Rudy Jimenea bilang bagong Provincial Information Officer o PIO. Ang naturang posisyon ay bagong tatag lamang na may coterminous status.
Maliban kay Jimenea, kinumpirma din ng SP ang re-appointment nina Atty. Renette Bergado bilang provincial administrator at Atty. Marnito Cosep bilang provincial legal officer.
Napag-alaman na unanimous ang desisyon ng SP sa appointment nina Jimenea at Bergado sa isinagawang secret voting, habang isang SP member naman ang hindi sumang-ayon kay Cosep.
