Isinailalim na sa full lockdown ang Batasang Pambansa complex bilang paghahanda sa kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Bonbong Marcos sa Lunes.
Ayon kay House Secretary General Dong Mendoza, all-systems go na sila para sa event na ito.
Tapos na umano ang mga paghahanda para sa pagdarausan ng SONA sa Plenaryo kaya naman sa ngayon ay security preperations na lamang ang kanilang pinagtutuunan ng pansin.
Sa ngayon, 90% na umano ng mga inimbitahang bisita ang nagkumpirma ng kanilang attendance.
Muli ring sinabi ng house official na magiging simple lang ang programa sa SONA alinsunod sa bilin ni Marcos.
Samantala, sa hanay naman ng Senado, handang handa na sila para sa pagbubukas ng 19th Congress.
Ito ay matapos ang opisyal na pagco-convene ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Matatandaaang ayon sa napagkasunduan, nakatakdang ihalal bilang Senate President si Migz Zubiri.
Abangan naman ang Special Coverage ng Brigada News Philippines para sa SONA ni Pangulong Marcos.
Mapanonood sa lahat ng mga Online Streaming Platforms ng Brigada News Philippines, Social Media Accounts, at mapakikinggan sa lahat ng Brigada NewsFM Nationwide.
#