KORONADAL CITY- MAAARI nang makuha ang mga plaka ng motorsiklo na narehistro noong January hanggang March 2019.
Ito ay batay sa public advisory ng Land Transportation Office o LTO Region 12.
Kaugnay nito, hinihikayat ng LTO 12 ang mga nagparehistro noong unang quarter ng 2019 na i-claim na ang kanilang motorcycle licensed plate sa regional office sa Barangay Sta.Cruz, Koronadal City o makipag-ugnayan sa kanilang mga motorcycle dealers.
Kailangang dalhin sa pag-claim ang mga documentary requirements katulad ng original official receipt (OR), original certificate of registration (CR), valid government issued ID cards, at special power of attorney sa mga kukuhang representatives.
