7 arestado sa check-up sa mata na walang permit

CAMARINES SUR – Inaresto ng mga otoridad ang pitong inbidwal sa Camarines Sur dahil sa kawalan ng permit sa pagsasagawa ng Optical Mission sa Barangay Hall ng San Rafael bayan ng Lagonoy.

Ang nasabing operasyon ay nag ugat sa sumbong ng kinatawan ng Integrated Philippine Association of Optometrist, INC, Camarines Sur Chapter na ang nasabing gawain ay walang kaukulang permit.

Matapos ang briefing kasama ang complainant, ay isinagawa ang entrapment operation at kaagad na sumugod ang mga operatiba ng Lagonoy MPS upang isagawa ang paghuli sa lahat ng mga dayong personahe na ng sasagawa ng ilegal na aktibidad sa nasabing lugar. Isa lamang sa kanila ay lisensyadong optometrist. Narecover ang mga salamin at iba pang gamit. Sinampahan na ang mga naaresto ng reklamong paglabag sa Sec. 32 of RA 8050 (Revised Optometry Law of the Philippines). P48,000.00 ang piyansa ng bawat isa sa pansamantalang kalayaan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSSGT Adrian Lirag, tagapagsalita ng Lagonoy PNP, sinabing hindi batid ng Barangay na walang permit ang mga naaresto, hindi rin daw umano alam ng grupo na kailangan pa nila ng permit sa LGU dahil maganda naman ang hangarin sa libreng check-up. Ayon pa sa PNP mas mainam kung nakakasiguradong legit o lehitimo ang papakonsultahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *