3 militar, patay sa engkwentro ng NPA sa bayan ng Pio Duran

LEGAZPI CITY – Matagumpay ang inilunsad umanong ambush ng Santo Binamera Command New People’s Army (NPA) Albay laban sa hindi kukulangin dalawampung mga mga sundalo mula sa magkasanib pwersa ng tropa na 31st IBPA nito lamang Agosto 31 sa kasalukuyang taon, alas tres ng hapon sa Brgy. Mamlad, bayan ng Pio Duran Abay.

Ayon kay Florante Orobia, ang tagapagsalita ng Santos Binamera Command, tatlong militar ang nasawi sa engkwentro sa pagitan ng NPA sa nasabing lugar.

Napag-alaman umano na tatlong linggo nang nagsasagawa ng operasyon ang militar sa bahagi ng Pio Duran at Donsol Sorsogon kung saan nagkasalubong ang mga ito na naging dahilan ng palitan ng putok.

Samantala, itinanggi rin ng militar na nagkaroon ng bakbakan ang hanay ng kasundaluhan laban sa NPA sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Major John Paul Belleza, spokesperson ng 9th Infantry Division Phil Army sa Bicol, walang naganap o report man lamang na naipaabot sa kanila na mayroong nangyaring bakbakan sa nasabing lugar.

Dagdag pa nito, wala ring ebidensyang larawan na magpapatunay na nagkaroon ng engkwentro sa lugar, ngunit impossible rin umanomg may maganap, dahil may mga military base na malapit sa lugar na pinangyarihan ng nasabing engkwentro.

Panawagan ng opisyal, sumuko na lamang ang NPA at magbalik loob sa gobyerno.

Naniniwala rin ito na maraming kasamahan nitong mga NPA sa Albay ang nais na rin sumurrender sa kanila ngunit sa takot rin ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *