Application sa financial educational assistance ng mga mag-aaral, suspendido muna ngayon araw – Albay PED

LEGAZPI CITY – Isinuspinde ng Albay Provincial Education Department (PED) ang aplikasyon para sa financial educational assistance ng mag-aaral ngayong araw, Setyembre 5, 2022.

Ayon sa head ng nasabing opisina na si Cham Zuñiga, ito na ang pangalawang pagkakataon na isinuspinde ang ang aplikasyon para sa asistensiya sa lalawigan.

Aniya, halos naubos na umano ang pondo sa mga benepisyaryo kung kaya’t hihilingin nito sa gobernador ng Albay na dagdagan muli para makatulong sa iba pang mga mag-aaral.

Sa ngayon ay nagsasagawa muna ang opisina ng evaluation sa mga nagsumite ng requirements kung sila ay nararapat mapasama sa nabanggit na programa.

Sinabi ng opisyal, mas prayoridad nilang bigyan ng educational assistance ang mga mula sa malalayong lugar tulad ng Rapu-Rapu, Oas, Manito, Libon at iba pang munisipyo dahil sa kakaunti pa lamang ang nabibigyan ng assistance mula sa tulong Provincial Government of Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *