Pagpapalakas ng wifi connection sa mga pamilihang bayan sa Bicol, isinulong ng BSP para sa epektibong pagpapatupad ng Paleng-QR PH Plus

BNFM Bicol- INILAHAD ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang adbokasiya sa pagpapalakas ng internet connectivity para sa paggamit ng Paleng-QR PH Plus sa mga pampublikong pamilihan sa iba’t ibang mga bayan ng Sorsogon, syudad ng Tabaco at mga bayan ng Ligao, Libon, at Polangui  sa lalawigan ng Albay.

Read More:  Ormoc City council reshuffles power as new committee chairs take control of key sectors

Ang programang ito ay kasalukuyan nang nagagamit sa syudad ng Naga at Legaspi kung saan ang mga mamimili ay nakakapagbayad ng kanilang mga bilihin gamit lamang ang kanilang mga smartphone o handheld gadgets.

Katuwang ng BSP sa pagpapatupad ng cashless payment ang mga Local Government Unit o LGUs ng mga nabanggit na syudad at bayan.

Read More:  Mayor Lucy Torres-Gomez honors Chinese medicine heroes as three-day medical mission hits 1,451 served with chiropractic, ventosa, and acupuncture

Sa ngayon, patuloy ang pakikiisa ng BSP sa lahat ng mga bayan sa rehiyon para marami pang madagdagan ang bilang ng mga bayan sa Bicol na gumagamit nan g kanilang Paleng-QR Ph Plus. ### Nico Merciales, Intern

Not the actual photo. For illustration purposes only.