𝗦𝗔𝗡𝗖𝗛𝗘𝗭 𝗠𝗜𝗥𝗔, 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗨𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬 𝗕𝗨𝗡𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗜 𝗧𝗬𝗣𝗛𝗢𝗢𝗡 𝗘𝗚𝗔𝗬

Sa bisa ng resolution no. 2023-132 na pinirmahan ng lahat ng mga Sanguniang bayan member, kumpirmado na ang pagsasailalim sa State of Calamity ang bayan ng Sanchez Mira Cagayan.

Ang deklarasiyon ay batay sa rekomendasiyon ng Local DRRM Council (LDRRMC) dahil sa malaking pinsala na iniwan ng Bagyong “Egay” sa nasabing bayan.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Dahil dito, ilan sa mga suportang ibibigay ng mga kinauukulan sa mga apektadong residente, ay pautang na walang interest gayundin ang pagpapatupad ng price freeze o pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa nasabing lugar.

Sa monitoring ng MDRRMO-Sanchez Mira, nasa 137 na pamilya na binubuo ng 423 na indibidwal ang lumikas sa kasagsagan ng bagyo at pansamantalang nanirahan sa mga evacuation center habang ang ilan ay nakitira sa kanilang mga kaanak.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang assessment ng LDRRMC sa kabuuang halaga ng mga nasirang ari-arian sa lugar na iniwan ng bagyong “Egay”