Awol na pulis na umano’y nambugbog ng kasama sa pag-check in sa naga, naaresto na!

NAGA CITY- Naaresto na nag AWOL na pulis na nangbugbog o nanakit sa kasama nito sa pag check-in sa isang lodging house sa Naga City nitong Hulyo 27, 2023.

Sinabi ni PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, bandang alas-5 ng umaga kanina Hulyo 28, nakita ng security guard ng State College sa Barangay Peñafrancia na may lalaking walang pang-itaas na damit at sugatan. Tumawag ang guwardiya sa Police Station 3 at kaagad naman na rumisponde. Positibong ito nga ang hinahanap ng mga otoridad simula pa kahapon na si Mhel Andrew Gumba y Tesorero, 43-anyos ng Iriga City.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Mababatid na ayon NCPO bandang alas-10 ng gabi nitong Hulyo 26 nang magcheck-in sa isang lodging house sa Barangay Peñafrancia ang dalawa, ayon sa management madaling araw nang makarinig sila ng komusyon sa kwartong inukupa, humingi sila ng saklolo sa PNP. Tumakas ang suspek, ang bakas ng dugo sa isang pampublikong paaralan ang nakapagsabi na dumaan o nagtago roon si Gumba.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Gumba, sinabi nitong nagkaroon ng kompruntasyon sa pagitan ng sinasabi niyang live-in partner niya. Pumunta aniya sila sa Naga para mag rides, noong nasa lodging house iba ang nadiskobre niya, niloloko umano siya hanggang sa nagkasakitan na sila.  Tumakas si Gumba at nagtago sa talahiban.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

2009 nang maassign ito sa Naga bilang parte ng Peñafrancia augmentation force na mga nasa Field Training Program, 2014 ang huli nitong assignment sa Iriga City.

Mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children (VAWC) Act at paglabag sa RA 10591  “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.