₱365 minimum wage sa Bicol Region na nakompleto na simula kahapon puwede na sana pero kulang parin sa mahal ng bilihin ngayon ayon sa ilang taga Camarines Sur

NAGA CITY-  Kompleto na ang ₱365.00 na minimum wage sa Bicol Region simula kahapon base ito sa Wage Order No. RBV-DW-02.

Kaya nararapat na ianunsyo rin ito ng mga employers ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE)- Bicol Spokesperson Johana Gasga.

Matatandaan na naipatupad ang taas sahod sa dalawang tranches nauna ang ₱35.00 habang kahapon December 1, 2022 ang ₱20.00.

Kung babalikan noong Abril 2022 ay nagkaroon ng public hearing na ginawa sa Naga City, lumabas sa pag-uusap ng mga nasa labor sector, kailangan umabante na mula sa ₱310.00 araw-araw. ₱400 ang average na hirit ng mga manggagawa habang ang iba nagsabing pwede na ang ₱65.00 na itataas basta kaya at totoo.  May mga humirit rin na ₱500.00 bawat araw at ₱750.00 ang minimum na sahod.

Sa huli ₱55.00 ang naaprubahan na inanunsyo ng DOLE noong Mayo 2022. Bago ito ang ang huling wage order ay naipasa pa noong 2018 pa.

Sa komento ng mga taga Camarines Sur sa FB Page ng BNFM, puwede na sana pero husto rin ang pagtaas ng presyo ng serbisyo at pangunahing bilihin kaya kulang pa o kulang na.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Alain Hilario , ibinahagi nitong nagtatrabaho siya sa Maynila dati pero umuwi na sa Calabanga dahil mahal din ang cost of living doon; tirahan , bilihin,  tubig at kuryente  pati nga pagbabiyahe papunta at pauwi sa trabaho ay pahirapan kaya kung maghahanap ng trabaho mas gugustuhin niya sa Bicol na lang. Totoo aniya mababa na ang ₱365.00 pero manageable ang cost of living at malapit pa sa pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *