Aabanse sa knockout stage ang Japan sa FIFA World Cup matapos masilat nito ang powerhouse team na Spain, 2-1.
Unang naka-goal ang España sa pamamagitan ng header ni Alvaro Morata sa 11th minute ng laban.
Naitabla naman ng Japan ang score sa 48th minute sa isang left foot strike ni Ritsu Doan.
Naging kontrobersiyal naman ang decisive goal mula kay Ao Tanaka na nagselyo sa panalo ng mga Japanese.
Samantala sa kabila ng pagkatalo pasok pa rin ang Spain sa next round ng World Cup matapos tuluyang ma-eliminate ang isa pang football powerhouse na Germany sa Group E.
