Traffic enforcer, huwag katakutan- CTMO

Nakikiusap ang City Traffic Management Office sa mga motorista sa Puerto Princesa City.

Ayon kay CTMO Operation Officer Allan Mabella, hindi dapat katakutan ang mga enforcer sa lansangan dahil ito ay gumaganap lamang sa tungkulin.

Iginiit nito na sa oras na pinara ang motorista ng traffic enforcer ay dapat itong makisama upang hindi lumaki ang posibleng traffic violation.

Kapag may nilabag sa batas trapiko ang motorista ay hindi naman ito huhulihin agad kundi titiketan o pagmumultahin kaya hindi dapat katakutan, ayon pa kay Mabella.

Inihayag ito ni Mabella kasunod ng insidente ng panununtok ng isang Ronald del Mundo sa Admin enforcement officer ng CTMO noong Lunes ng hapon sa Pineda rd. Barangay San Pedro makaraang sitahin matapos idaan sa National Highway ang tricycle (top-down).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *