Hinuli nitong araw ng Linggo ng PNP at ni Linapacan Mayor Emil T. Neri ang mahigit animnapung mangingisda sa karagatan ng Canaron island, Barangay Cabunlawan, Linapacan, Palawan.
Ayon sa Palawan Provincial Police Office, habang pabalik na galing sa Barangay Cabunlawan, Linapacan, Palawan sina Mayor Neri ay naaktuhan nila ang Bangka na M/B Queen Vinamar 8, sakay ang sampung mangingisda na nagsasagawa ng ilegal na pangingisda gamit ang kawil.
Ang sampung mga nahuli ay pawang mga residente ng Barangay Suba, Cuyo, Palawan.
Maliban rito, 11:30 nitong Linggo ay hinuli din ng alkalde at Linapacan Police ang 60 mangingisda sa kaparehong Isla matapos maaktuhan na nagco-compressor na lulan ng isang malaking bangka.
Kinilala ang ilan sa mga sakay nito na sina Ambrosio Garcia Limboc, Boat Captain, 37 anyos,; Felix De Catro Dacillo, 47 anyos at si Marlex Umandal Mananquil, 32 anyos na pawang mga nagmula sa Barangay Wawa, Nasugbo, Batangas.
Ang mga mangingisda ay pinagmulta matapos malabag ang Municipal Ordinance No. 2020-137, Series of 2015, Article V, Section 31 (Prohibiting the transient fisherman to Catch a Fish anywhere else within territorial waters of Linapacan, Palawan).