Sunog, sumiklab sa Pamplona, Camarines Sur

Camarines Sur – Natupok ng apoy ang magkakatabing tindahan sa may barangay Tambo, Pamplona, Camarines Sur kaninang alas 3 ng madaling araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay SFO3 Ronald Tumbado, OIC Fire Marshal ng BFP Pamplona, napag-alamang natupok ang tatlong tindahan sa lugar kung saan kinabibilangan ito ng isang motorshop, bakery at palay seed shop. Mabilis na kumalat ang apoy dahil na rin sa gawa ang establisyemento sa mga light materials. Sinabi pa ni Tumbado na ang motorshop ang tinitignan nilang pinagmulan ng insidente dahil na rin sa mga goma, pintura at langis na nasa loob ng tindahan.

Umabot sa 2nd alarm ang apoy kaya’t bandang 4:30 na ng maideklarang fire out ang insidente. Kasama naman ng BFP Pamplona sa pag-apula ng apoy ang BFP San Fernando at BFP Pasacao. Sa ngayon, patuloy pa ring inaalam ang kabuuang pinsala nito at maswerteng wala namang nasugatan sa insidente. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *