MANIBELA, hindi takot na mawalan ng prangkisa sa pagsagawa ng tigil-pasada

Hindi raw natatakot ang mga miyembro ng MANIBELA na mawalan ng prangkisa sa ikinasang tigil-pasada ngayong araw.

Ayon kay MANIBELA National President Mar Valbuena, sa katunayan ay ayaw nilang magsagawa ng protesta , pero ito na raw ang nakikita nilang paraan para mapakinggan sila ng gobyerno laban sa isinusulong na PUV modernization program.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Iginiit ni Valbuena na hindi nila tinututulan ang modernization program ng pamahalaan , ang nais nila ay muling mapag-aralan ito makonsulta kasama ang kanilang grupo.

Nang matanong kung anong reaksyon sa hindi pagsama ng Magnificent 7 sa protesta ng kanilang grupo, sabi ni Valbuena, hindi naman sila imbitado.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Samantala, mula UP avenue kung saan isinagawa ang assemble ng grupo, nagtungo ang mga ito sa labas ng opisina ng LTFRB at pagkatapos ay didiretso sa Mendiola para sa ikinasa nilang programa.