Lumalabas sa database ng National Bureau of Investigation (NBI) na may kapareho ring kapangalan ang kapatid ni Alice Guo na si Shiela Guo.
Malinaw na mapapansin sa dokumento na ibang-iba ang mukha ni Shiela sa nasabing kapangalan niya dahil tila barbers cut ang buhok nito at medyo chubby ang katawan.
Samantala, ayon kay Senadora Risa Hontiveros, kapansin-pansin na pareho ang address na mayroon ito sa dating Alice Guo na kanilang natuklasan na nakatira rin sa 138 Kalantiaw Street, Project 8 Quezon City.
Itinanggi naman din ni Shiela na kilala niya ang mga ito nang tanungin siya ng mga senador.