Magkakapatid na Guo’s, kumpirmadong dumaan ng Sabah sa kanilang pagtakas sa bansa

Lumalabas sa stamp ng pasaporte ni Shiela Guo na kumpirmadong dumaan o pumasok sila sa Sipadan Island o Sabah, Malaysia mula sa kanilang pagtakas sa Pilipinas.

Ito ay bagay na sumusuporta sa naging kwento ni Shiela ng sabihin niyang sinabi ni Wesley na nasa ‘Xien Pen’ o Penang na sila pagkatapos ng kanilang naging byahe sakay ang isang maliit na bangka.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Matatandaan, ayon sa naratibo ni Shiela, sumakay sila ng van mula sa farm papunta sa lugar na hindi niya alam at pagkatapos nito ay nagpalipat-lipat sila sa tatlong barko na may magkakaibang kulay at laki hanggang sa makarating sila sa Malaysia.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Nakasama naman umano niya sa naging byahe sina Alice at Wesley Guo na di kalaunan ay humiwalay na rin sa kanya pagdating nila sa Indonesia.