China, iginigiit na ang Pilipinas ang nanghimasok sa kanilang katubigan sa nangyaring insidente kasama ang BFAR vessel

Nanindigan ang China na ang Pilipinas ang nangbangga sa kanilang barko.

Ayon kay China Foreign Ministry spokesman Lin Jian, mula sa insidente noong August 25 – ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang umano’y nanghimasok sa katubigan ng Xianbin Jiao o ang Sabina Shoal ng Nansha Qundao ng China.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Naging mapanganib umano ang kilos ng barko ng Pilipinas at nambangga sa China Coast Guard vessel na nagsasagawa noon ng law enforcement operation.

Mababatid na una nang iniulat ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na gumawa ng ‘close perilous maneuvers’ ang China na nagresulta na pagbangga nito sa BFAR vessel, at nagkaroon din ng pambobomba laban sa barko ng bansa.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ito ang dahilan kung bakit pumalya ang engine nito, at kung bakit nagsagawa ng early termination ng humanitarian operation.

Para naman sa China, ang ginawa nito ay “professional, restrained and appropriate.”