Shear line at ITCZ magdudulot ng mga pag-ulan sa Luzon at Mindanao

Makakaapekto ang shear line o tail-end of a frontal system sa northern Luzon, habang apektado naman ang Mindanao ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa Pagasa, ang Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora, at Quezon ay makakaranas ng maulap na kalangian na may kasamang kalat-kalat na ulan at thunderstorms dahil sa shear line.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms din ang iiral sa Bicol Region, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Davao Region, BARMM, at sa southern portion ng Palawan dahil sa easterlies at sa ITCZ.

Samantala, ang Metro Manila at ibang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na maghanda laban sa posibleng flash floods o landslides sa panahon ng severe thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *