‘Ground zero’ ng ASF sa bayan ng Irosin at Juban, tukoy na

Natukoy ng mga awtoridad ang ‘ground zero’ o pinagmulan ng kaso ng African Swine Fever sa bayan ng Irosin at Juban, Sorsogon.

Sa paliwanag ng MDRRMO Juban, sa pamamagitan umano ng geotagging ng munisipyo ng Irosin, ang ground zero ng ASF ay pasok sa boundary ng Juban, partikular sa Barangay Guruyan.

Nagkataon lang umano na ang may –ari ng hog pen o ‘tangkalan’ ng baboy ay taga Bulawan, Irosin. Naka-rehistro din ang kanyang mga baboy sa bayan ng Irosin at dinadala ang kanyang mga baboy sa slaughter house ng Irosin.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ang geotagging ay kinumpirma rin ng Geographic Information System gamit ang mapa na galing sa DENR at National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA.

Ayon naman sa Prov’l Veterinarian na si Dr John Ashley De Vera, hihintayin niya ang regional office, na maglalabas din ng isa pang dokumento tungkol sa nasabing bagay.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Samantala, patuloy ang depopulation sa bayan ng Irosin sa mga baboy o hog raisers na pasok sa 500-meter radius.

Nangako naman ang alkalde na si Alfredo Cielo  na magbibigay ito ng cash assistance sa mga hog raisers na ang mga alagang baboy ay nadamay sa depopulation.