Transportation Sec. Bautista, pinabulaanan ang mga alegasyon ng ‘lagayan’

Itinanggi ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang mga alegasyon ng katiwalian laban sa kanya.

Punto ni Bautista, simula noong naupo sa pwesto ay nangako siya nang may katapatan na pagsisilbihan nito ang mga Pilipino dahil para sa kanya, mas mahalaga ito kaysa sa mga materyal na bagay.

Bukod dito, ikinalungkot din ni Bautista ang mga paratang sa kanya na wala naman daw batayan.

Ayon sa Transportation Sec, plano nitong maghain ng kaso laban sa mga transport groups bunsod ng paninira ng kanyang puri.

Samantala, sinabi naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ‘premature’ o masyado pa raw maaga upang magkomento hinggil sa graft issues ni Bautista dahil kasalukuyan pa itong iniimbestigahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *